"Kaya ko rin tumira kahit saan. Kahit sa labas pa 'yan ng mundo. Basta ang mahalaga, kasama kita." Bata pa lamang si Eunick ay minahal na niya si Yuan. Iningatan at inalagaan niya ang damdaming iyon hanggang sa magdalaga siya. Kaya naman labis siyang nasaktan nang malamang ikakasal na si Yuan sa best friend niyang si Arvie. Huli na ang lahat para sa kanila ni Yuan kaya pinilit ni Eunick ang sariling mag-move on. Pero biglang nawala si Arvie bago ang araw ng kasal. Nagalit si Yuan at nagulat si Eunick nang pagbintangan siya ng lalaki na kasabwat ng kaibigan sa paglalayas nito. Sa sobrang galit yata ni Yuan kaya gumaganti ito. Una, sa pamamagitan ng mga magulang ni Arvie at sumunod ay sa pamamagitan niya. Bigla ay nalagay si Eunick sa sitwasyon kung saan kailangan niyang ibangon ang nadurog na pride at ego ni Yuan at iyon ay sa pamamagitan ng pagpapakasal niya rito. Pero sa kabila ng katotohanang gusto lang nitong makaganti, wala pa ring pagdadalawang-isip na pumayag siya sa gusto ng lalaki. Ang dahilan? Simple lang. Dahil mahal niya ito, gagawin niya ang lahat para tulungan itong mag-move on at kalimutan si Arvie.All Rights Reserved