Simula pagkabata, sanay na si Jairus Keith Valdez na siya ang laging Rank no.1 kahit saan. Kaya naman isang malaking kabalbalan at hindi katanggap-tanggap na natalo siya ng isang babae sa isang inter-high quiz bee competition. Kaya naman mas lalo niyang pinagbuti ang pag-aaral para makatanggap ng scholarship sa Top 1 Academy ng bansa- Ang Musk International School of Sciences Ngunit kung mamalasin ka nga naman, may nakatalo na naman sa kaniya sa entrance exams at walang iba kungdi ang nakatalo rin sa kaniya sa quiz bee. Sino nga ba 'tong babaeng napakagaling na hindi niya makasundo at mukhang magiging Ultimate Rival pa niya? . . . Simula pagkabata, sanay na si Gia Montenegro sa awards at papuri. Her parents groom her to be the very best. She was always the good daughter, always the good girl. Everything comes off easy to her. Body, Brains, Beauty - pero paano kung dahil dito nawawalan na siya ng gana sa buhay? What if it was also the reason she lost the most important people of her life? Gusto lang niya makawala- At nong eksaktong pagkakataon na napagdesisyonan niyang tapusin ang walang pagbabagong "perpekto" niyang buhay- may isang lalaking naglakas loob hamunin siya. He might be a rival, but he is also the best gift she had always wanted. Aminado si Gia, talong-talo siya simula nong araw na 'yon, because she finally met her match- --- Sabi nga nila, sa laro ng pag-ibig kung sino ang maunang mahulog siya ang talo Pero paano mo nga ba sasabihin sa kalaban mo na mahal mo siya kung nasa utak niya lang ay talunin ka? Masisingit pa ba kaya ang pagmamahal sa Rivalry?