Gusto na ni Daryl magbagong buhay.
Kilala siya buong highschool bilang ang 'Dambuhalang Biik,' pero matapos magka-girlfriend ang bestfriend n'ya na secret crush din niya for six years, ay inakala niyang matatapos na ang kanyang mundo.
Nawalan siya ng ganang kumain, lumabas ng bahay, at pati na rin halos ang mabuhay, pero s'yempre, life goes on, at matapos s'yang bigyan ng mga kapatid n'ya ng mega make-overhaul, ay naisipan niyang magsimula muli sa pag-tungtong niya ng college.
That is, if he could overcome his inferiority complex and his anxieties.
BL po ito, bxb
I consider this as a challenge to myself.
May mga kakilala kasi akong umaabot ng 100+ ang chapters at libo ang mga pahina, pero kahit napaka haba na ng mga storya ay nakakawili pa ring subaybayan at basahin.
Kaya ginawa ko ito para malaman kung hanggang saan ako aabot.
Madalas kasi, mas gusto ko ang mga fast paced na storya. Ganon din sa pagsusulat ko, ayoko ng dragging, ayoko ng maraming kaartehan at segway sa storya na wala namang patutunguhan.
Kaya nga ginawa ko itong 'Ulcer' na balak kong pahabain at dugtungan hanggang sa umabot sa kung saang hindi ko pa natatanaw.
Pero dapat, lahat ng eksena at tagpo, may kabuluhan, dapat walang bahagi na masasayang.
Iyan ang challenge ko sa aking sarili. At sana ito ay magustuhan ninyo.
(kung matyaga kayong magasa, that is XD hehehe)
- ako
unang title: Patola
started: June 26, 2019