4 parts Ongoing Siya ang pinakamaganda na prinsesa sa buong kaharian ng Avalon, ngunit kung ano ang kinaganda ng kaniyang mukha, ay ganon naman kasama ang kaniyang pag uugali. Siya'y mayabang, maldita, at kinatatakutan dahil sa talas ng kanyang dila, akala ni Prinsesa Elyse na walang sinuman ang kayang magparusa sa kanya. Hanggang sa mag desisyon ang kanyang magulang na ipatapon sya sa mundo na kung saan hindi nya alam ang patutunguhan.
Ipinatapon siya mula sa makinang niyang kaharian patungo sa mundo ng mga mortal-isang lugar na walang mahika, walang mga alila, at walang korona. Ang tanging paraan para makabalik? Matutunan ang kababaang-loob, kabutihan, at ang tunay na kahulugan ng pag-ibig.
Makililala nya dito ang isang lalaki na magpapabago ng kanyang paniniwala, paniniwala na sya ang nakatataas.
Paano kung ang lalaking nagturo sakanyang magbago ay sya ring magtuturo sakanya kung paano umiibig? Pipiliin nya pa kayang bumalik sa mundo kung saan sya ang pinuno, o mananatili sa mundo kung saan sya'y binago?
©All Rights Reserved. 2025