Taong 2132 nang ipatupad ng Chinese Federation ang One Cloud Information Policy o O.C.I.P. sa sarili nitong bansa maging sa mga kalapit na bansa na nasasakupan nito. Ang Pilipinas ay isa sa mga naging estado nito pagkaraan ng maraming taon na pagpapahiram ng pondo ng naturang bansa. Sa makatuwid, naging matagumpay ang debt trap ng naturang bansa sa Pilipinas. Bilang kapalit ay sumailalim sa batas ng Tsina ang Pilipinas.
Ang O.C.I.P. ay naitatag sa kadahilanang protektahan ang anumang impormasyon na nakapaloob dito, ngunit kapalit nito ay kinailangang maging bukas ang lahat ng impormasyon ng bansang Pilipinas maging ang iba pang bansa na sumasailalim dito. Sa makatuwid, ang lahat ng konserbatibong impormasyon, maging ang social media, one ID system, government policies, business policies, bank accounts at assets ay mawawalan ng privacy. Nilalayon ng O.C.I.P. na protektahan ang interes nito. Makitaan lamang ng paglabag sa kahit na anong batas ang isang tao ay agad nitong matutukoy.
Dahil alam ng mga ilegal na businessman at hacker ang kayang gawin ng One Cloud Information Policy, kinailangan nilang ihatid ang ilang mga mensahe hindi sa pamamagitan ng internet o ng world wide web. Gumagamit sila ng mga 'Runners'. Mga taong may angking bilis, at pisikal na lakas upang pagpasa-pasahan ang mga mensaheng ito hanggang sa makarating sa taong padadalhan nito. Sa estilong 'parkour' o 'free running', o pagtakbo sa itaas, gilid at kasulok-sulukan ng mga gusali at lansangan, nagagawa nilang lusutan ang mga awtoridad. Hindi sila napapansin ng mga pulis o ng militar dahil kaya nilang tumakbo, lumusot at animo'y makipaglaro sa kanila. Ito ang naging tanging paraan upang maprotektahan ang mga pribadong mensahe na ipinapadala ng underground group, rebelde maging ang mga pribado at mayayamang pamilya sa loob at labas ng bawat syudad.
Losing his parents before his eyes, 'Tyrell Blackman' the protagonist of the story now seeks revenge on the person who murdered his family. With his thunder manipulation power he now trains with Arthur to get close to the murderer.