Sa mundo kung saan pinagtuunan ng labis na atensiyon, oras at pondo ang pagpapaunlad ng teknolohiya, nabuo ang isang kilala ngunit 'di lubos maisip na maisasakatuparang time travel machine. At ang nakagawa nito ay walang iba kung 'di si Dr. Analyn Alejandro. Ngunit 'di niya ito inimbento para sa ikauunlad ng larangan ng siyensa, nilikha niya ito para sa pansariling pakay-pakay na nais niyang isakatuparan ngayong may pagkakataon na siya. Binalikan niya ang nakaraan para baguhin ang takbo ng oras, ng kasaysayan ng kaniyang buhay. Kung saan kinakailangan niyang isakripisiyo ang ilang bagay sa ngalan ng wagas na pagmamahal.