Masayahin, matapang, masunurin, talented, mayaman, nasa kanya na ang lahat ng pinapangarap ng ibang tao. Pero hindi lahat ng tao ay perpekto, lahat tayo ay may good side at bad side tulad nalang pagiging hyperactive, mataray, masungit, mapanglait, palaban at higit sa lahat makulit. Ako na iyon at ang pangalan ko ay Thea, at may isa akong sikretong malupit gusto mo bang malaman? kung sasabihin ko sayo, wala dapat makaalam na iba ha? kung hindi mo natupad ang usapan patay ka sa akin. Hindi ako nagbibiro dahil... ..isa akong assassin, at ang masama ay nahulog ako sa isang nakamamatay na patibong.