Ang buhay ay puno daw ng pag-ibig, pero di ko naman kita, hindi ko G!. Tayo daw lahat ay binuo sa pag-ibig, talaga bang may ganoon?! eh parang sa akin wala naman. Hindi Naman feel ng tadhana na ibigay sakin yung pag-ibig na sinasabi ng iba, na simula't sapol hindi talaga ako nabuo dahil sa pag-ibig. Kaya ba hanggang ngayon ganito parin ako, hindi kamahal-mahal? sanhi ba ito ng pinagmulan ko? Pero jowable naman ako ah! attractive Naman ako! siguro?. hmmpp. pero alam naman nating lahat na magaganda't gwapo tayo dahil anak tayo ng Diyos.! May pimples lang ako! pero maganda ako noh! yan lang lamang ng iba sakin. magkakaroon din ako ng clear skin, makapag Belo lang. Hayyy.. makapag introduce nalang nga, ako nga pala si Psyche, oo "Psyche" pangalan ko. Nagsisimbolo sa kaluluwa I mean soul para sosyal. Psyche nga pangalan ko katulad sa isang bathala pero makakakita Rin Kaya ako ng sariling Kupido ko? katulad ng storyang mito nila Psyche at Cupid? . wag na kasing mangarap haliparot ka, Hindi ka Kasi jowable.Itatak mo yan sa Pader mong dibdib. Putang buhay toh.