Bumibili ka ba ng libro? Hindi ka ba nasa-satisfy sa iisang libro lamang? Emosyonal ka bang magbasa ng libro? Handa ka bang gumastos maka-bili lang ng libro? May kontribusyon ba ang pagbabasa ng libro sa eyebag mo? Nagkakagusto ka ba sa isang fictional character? Naiiyak, natatawa, nagagalit, nalulungkot ka ba sa isang librong binabasa mo? Nakakalimutan mo na ba ang ibang bagay kapag nagbabasa ka ng libro? Hiniling mo na ba na sana totoo ang fictional characters? Nalungkot ka na ba dahil hindi ka nakabili ng librong gusto mo? Naiinis ka ba sa mga taong kine-kwestsyon ang pagbabasa mo ng libro? Maingat ka ba sa libro? Ayaw mo bang nasisira, nalulukot, napupunit ang libro mo? Kapag ba nasa bookstore ka ay para kang nasa langit? Gustong-gusto mo na bang basahin ang mga bago mong libro? Hindi ka ba nakaka move-on agad sa mga librong nababasa mo? Para sa'yo ba ang libro ay isang ibang mundo? Kung "oo" ang iyong sagot sa lahat ng iyan, ikaw ay isang ganap ng BOOK NERD!! MALIGAYANG PAGDATING! Maari mo nang ipagpatuloy ang itong pagbabasa at maka-relate sa mga sitwasyon ng isang book nerd. (July 13, 2014)