Nag varsity ako ng swimming. Adik na adik lang ako sa tubig, lalo pa nung mga panahon na un dahil uso sa lugar namin ang scheduling ng tubig. Ung tipong pag di ka maarunong makichismis, di nyo maabutan ang tubig at maghapon kaung makikiigib sa kapitbahay sa kanto. Na pag bobo-bobo kang mag buhat sa layo ng lalakarin mo e pag uwe mo ng bahay nyo tatlong patak na lang ng tubig ang ipapaligo mo. Nakakasuklam maligo ng isang balde, kaya siguro lahat ng frustrations ko nilabas ko na lang sa pakikisuyo maligo sa pool ng school. Na di nagtagal e nasita na rin ako. Dahil di ubra ang pacharming kay ate guard kung plano mong mag stay ng 4 hours sa pool, bawal daw matulog dun. LOL.All Rights Reserved