Zhaike Alexzadre Alvarez. Siya ang kaisa-isang anak ng mga Alvarez. Ang Alvarez ang isa sa pinakamayamang pamilya sa Prescavel Town. Si Zhaike Alvarez ay gwapo, mabait, magaling at mapagmahal na tao. Ngunit iniisip ng iba, Bakit hindi pa siya nakakahanap ng taong magmamahal sa kanya habang-buhay? Kung sabagay, dumadaan din naman yun sa utak ni Zhaike. Pero paano nga? Paano siya magkakaroon ng katuwang sa buhay? Give up na ba? Magiging pari na ba siya o ano?