Nangunut ang mga noo ni joel nang makita ang resume na kanyang tinitingnan.sumentro rin ang kanyang paningin sa litrato ng babae. Sumulak ang kanyang dugo.Naikuyom niya ang kanyang mga palad.Ang babaeng nag-a-a-pply ay ang dahilan kung bakit siya nakulong ng tatlong buwan! Hindi niya akalaing muling magtatapat ang kanilang mga landas makaraan ang apat na taon.Doon pa nag-a-a-pply sa kanyang kompanya!Gumana ang kanyang isipan .Gusto niyang makapaghiganti rito!Hindi birong hirap ang naranasan niya sa kulungan.It's not hia kind of place! Hinanap niya ito noon para paghigantihan'pero bigla na lang itong naglaho. kaya nga na-dismiss ang kaso laban sa kanya, hindi na kasi ito nagpakita pa. Una hanggang sa pangatlong hearing,hindi ito dumating. Ipanapasalamat niya iyon,pero nangako siyabg hahanapin ang babae at pagbayarin ito sa paglagay sa kanya sa balag ng alanganin.Kung ano man ang dahilan nito at dinikdik sya,hindi nya alam, makalipas ang ilang taon na mismo ang kusang lumapit ito