"Falling in love is easy. So, fall freely into me. Hindi naman ako magrereklamo." Kung may tao man na ipinaglihi sa kulit at kapal ng mukha ay si Byron na ang living proof. Nasisiguro iyon ni Cielo sapagkat wala na itong ibang ginawa kundi ang kulitin at pagtripan siya. Kung siya lang ang masusunod ay nais na niya itong itapon sa bangin. Minsan siyang tinanong ni Byron kung may gusto raw ba siya rito at talaga namang nagulo ang sistema niya. Bakit parang gusto niyang sumagot ng 'Oo'?