12 parts Ongoing MatureAng hirap maging breadwinner.
Kada sweldo, hindi mo na alam kung paano pagkakasyahin. Lahat nakaasa sa'yo, pambayad ng bills, gamot ni papa, tuition ng pamangkin. Tapos, kapag umuwi ka sa probinsya, ka-kamustahin ka lang para mangutang.
Pero, kapag hindi ka nakatulong, ikaw pa ang masama. Madamot. Yumabang.
Hindi nila alam, gabi-gabi kang umiiyak sa pagod. Hindi nila alam, gusto mo na lang minsang mawala, pero bawal kang sumuko.
Kaya nung dumating siya, yung taong hindi mo kailangan magpaliwanag, hindi ka hinusgahan, dun ka lang ulit nakahinga.
Sa mundong paulit-ulit kang hinihila pababa, siya 'yung naging pahinga mo.
*Cover is not mine. Credits to the rightful owner*