Watching People's Feet III (teaser)
9 parts Complete Ang huling aklat sa kwento nina Psalm at Atan.
Ang kanilang nakaraan, ang kasalukuyan at ang hinaharap.
Book 3 preview
Dumating siya kasama ng kanilang lakan, ang punong katalonan mula sa Hilaga, sa Batangan. 'Dalagang Binukot' ang tawag sa kanya, si Kulalaying-Luningning na ipinangalan kay Mayari na anito ng buwan.
Ako naman ang Babaylan ng isang mapag-higanting diwata, ang pinaka malakas na Dalagangan na binukod mula sa marami upang siya'y pagsilbihan. Kaptan-Kirat ang pinangalan sa akin, hango kay Makaptan na diwata ng kalangitan na aking pinagsisilbihan. Nagkatitigan kami noon, at noon din ay alam na namin na 'di namin kakayaning mawalay pa sa isa't-isa.
Sa huling bahagi ng ating kuwento, naalala na muli ni Psalmo ang mga naganap sa kanyang nakaraan. Ngunit sa halip na bumalik sa dating katauhan, ay mas pinili niyang mamuhay ng tahimik kasama ang mahal niyang si Jonathan.
Pero may mga mata sa dilim na may ibang plano para sa kaniya, at 'di sila titigil hangga't di bumabalik ang kanilang binukod sa kanilang lambak.