Si Genesis, 28 years old, ay isang NBSB, para sakanya okay lang naman yun hindi naman siya nagmamadali.Pero nang mag-reunion silang magkakaibigan tila ba sinampal siya ng katotohanan na ni isang beses wala pa syang boyfie! Nakaramdam siya ng inggit sapagkat ang mga kaibigan niya ay puro taken na dalawa sa kanila ay may pamilya at anak na. Kaya isang beses napagpasiyahan niyang magpahula kung sino ang siyang nakatadhana sa kanya, naisip niya na wala namang mawawala kung susubukan. Ngunit sa kaniyang ginawa nalaman niya na ang pinakauna niyang buhay ay nakagawa ng isang malaking kasalanan sa kalangitan, nag-ibigan sila ng isang anghel at ang pag iibigan nila ay nagbunga. Pinarusahan sila ,pinaalis sa kalangitan ang anghel at ginawang mortal, binalaan ang anghel na kapag sila ng kaniyang minamahal ay namatay sila ay marereincarnate ngunit sa bawat reincarnation nila ay hindi na muli silang magkikita. Kahit pagod na pagod na ang kanilang mga kaluluwa ay paulit- ulit lamang silang marereincarnate.Dumating ang araw na napatay ang buong pamilya nila at natupad ang parusa.Bago siya mamatay ay sinabi nyang " kapag nabuhay muli ang aming anak ang parusa'y magwawakas" at ang dugo ng kanilang anak ang nagsilbing silo sa kaniyang panayam. Paano mabubuhay ang kanilang anak samantalang ang parusa sakanila'y hindi na sila muling magkikita? Papaano matatapos ang parusa?Matatapos pa nga ba o sadyang napakaimposible?All Rights Reserved