Matapos makipag-break ng boyfriend ni Audrey sa kanya ay nagkanda-leche-leche na ang almost perfect niyang buhay. Nagulo ang pag-aaral niya at muntik ng ma-debar sa course na kanyang kinukuha. Isama pa dito na halos nawalan siya ng set of friends dahil sa mga mapanirang chismis na kumalat tungkol sa kanya. Maging ang tinuturing nitong best friend ay iniwan siya sa ere. Bitter and defeated, pumunta siya sa isang cheap na bar only to meet a gorgeous guy na sandaling nagpalimot ng kanyang pinagdadaanan. She called him Aphrodite's Son.