Hindi lahat ng babae ay naghahabol sa mga lalaki at mas lalong hindi lahat ng babae ay naghahanap ng true love. Minsan sila pa ang hinahabol at hinahanap. At kung minsan tumatakas pa sila.
Meet Rowena Marjorie Diaz aka Rowie, ang babaeng magnet. Nakapanghahalina ang charm, wit at personality. Ang unang bidang may 24 hours na mood swings pero laging nakakaiwas sa kahit anong drama.
Si Rowie ang playing safe nerd ng klase. A friend to all and a "friend only" to every men. Lahat ata gusto niyang iwasan except sa academics niya. Naniniwala kasi siya na ang love life ang number one problem kung bakit nagugulo ang buhay ng ibang mga tao na may mga plano sa buhay.
Love brings games at ayaw na ayaw niyang mapasali sa mga larong, "agawang boys", " ligaw ligawan" at siyempre yung "habulan".
Halos isumpa na niya na never magiging soap opera ang buhay niya pero paano kung isang araw dumating ang co-star na magsisimula ng malateleserye niyang buhay. Ang heartthrob na papaulanan siya ng sandamakmak na problema. Ang kaparehong magnet na dapat niyang iwasan kahit ano mang mangyari.
Magagawa pa kaya niyang iwasan ang problemang ito kung true love na ang plano niyang takasan?
Paano Takasan Ang True Love?
-slumchild