Pinangarap maging artista! "Di ka maganda!"wika nila! Pinangarap maging singer! "Boses mo'y parang rapper!" Pinangarap maging Engineer! "Naku, puro ka number!" Pinangarap maging photographer! "Walang pera yan! No, NEVER!" Pinangarap magnegosyo! "Mga tao utangera't utangero!" Pinangarap mangibang bansa! "Uy huwag ka! Di mo kaya!" Pangarap mo'y pabago bago! Hanggang ito'y tuluyang naglaho! Buhay mo'y nawalan ng kwento! Dahil sa daming mga komento! Ngayon ay naging si Miss Makata! Simple lang, ako'y dukha! Pangarap lang ay lumikha ng tula! Sana naman wala nang kumontra!All Rights Reserved