"Kapag hindi talaga siya nagpakita in one minute, aalis na talaga ako dito." mahinang sabi ko habang pinagma-masdan ang ilang estudyante na dumadaan sa aking harapan. Dumaan ang isang minuto nang wala pa din siya kaya mariin akong napapikit. Tumayo na ako saka isinakbit muli ang bag sa magka-bilang balikat ko. "Aalis kana agad? Tss. Kada-dating dating ko lang e." kasunod ng malamig na boses na yon ay ang paghawak ng isang kamay sa balikat ko at marahan akong pinaupong muli sa bench na kanina ay inuupuan ko.