Cindy veronica santilian maganda , maputi , matalino ng onte , pero......
.
.
.
.
CUTE SIZED!!?!?!??!
Cindy veronica santilian nag aaral sa pribadong paaralan . Oo nga maliit sya pero hindi mo naman talaga sya matatawag na 'Maliit' kung baga 'cute sized' lang . sya ang pinaka maliit sa kanilang klase at maraming nang aasar sa kanya dahil sa maliit ang height nya , sabi nga nila 'cute sized' , bat natawag na cute sized ? eh sya lang naman kase ang mukang elementary student sa kanilang classroom , itinuturing na rin syang bunso ng mga kaklase nya pero hindi parin maiwasan na may mangasar , ewan ko ba inggit lang sila!
hanggang sa one day nan dito itong si Ethan ace santos gwapo , habulin ng girls , matalino , maraming kaibigan ,at the same time MATANGKAD fren! . isang araw napadaan si Ethan sa hallway ng school dahil magkasunod lang sila ng room ni Cindy . bigla nalang nawalan ng atensyon ang mga babae sa kanilang classroom at maski na sa hallway , tumingin si Cindy sa labas ng bintana upang tignan kung ano ang nangyayari at nakita nya nga ito si Ethan , kaya naman pala kung maka tingin ang mga babae eh....actualy may gusto talaga si Cindy kay Ethan matagal na pero hindi nya lang ito ipinagkakalat kahit kanino dahil ayaw nyang masabihan ng mga masasakit na salita mula sa ibang tao , ang nakakaalam lang eh ang sarili nya
One day naglalakad sa ground ng school si Cindy papunta na sana sya sa classroom nya ng dumating ang mga ng bubully sa kanya , si Ashley at Lovely binully ulit sya ni Ashley at Lovely , tinulak hanggang napaupo sya sa maiinit na sahig ng ground at nakita ito ni Ethan . iniwan ni Ethan ang kanyang mga kasamang kaibigan at ipinagtanggol si Cindy kay Ashley at Lovely . Simula nun palagi na syang prinoprotektahan , sinusundo at hinahatid ni Ethan . hindi makapaniwala si Cindy na si Ethan , ang crush nya ay superhero na nya
Ano kayang mangyayari sa susunod ? may gusto kaya si Ethan kay Cindy ?
BASAHIN AT ALAMIN!
Huling taon na ni Penelope sa high school nang dumating sa buhay niya ang makulit at over-friendly na Amerikanong exchange student na si Ryan. Ayaw niya sa lalaki dahil bukod sa hindi maganadang impresyon nito noong unang beses silang nagkita ay total opposite din ito ng kaniyang personality. Subalit tila mapaglaro ang kapalaran dahil bago pa man niya maiwasan ay huli na nang kaniyang mapagtanto na nahulog na ang loob niya sa binata, isang bagay na himala kung kaniyang ituring. Sa kabila ng kaniyang damdamin para kay Ryan, hindi niya ipinaalam dito iyon hanggang sa bumalik na ito sa America.
Makalipas ang walong taon, muling nagkrus ang landas nina Penelope at Ryan. Sa kabila ng mahabang panahon na lumipas at mga lalaking sumubok na bihagin ang puso niya, nalaman niya na si Ryan pa rin pala ang bukod tanging laman niyon.
Sa pagbabalik ni Ryan, nagkaroon ng pag-asa si Penelope na madudugtungan ang naudlot niyang love story. Bagaman walang iniwang pangako ang binata ay lihim niyang pinanghawakan ang iniwan nitong halik isang gabi bago ito bumalik ng America. Subalit sa isang iglap, nawasak ang pangarap niya para sa kanilang dalawa nang ipakilala na sa kaniya ni Ryan si Valerie-ang fiancee nito na malaki ang resemblance sa kaniya pagdating sa hitsura, higit sa lahat sa personality niya.
Ginawa ni Penelope ang lahat para iwasan si Ryan at alisin na ang damdamin niya para rito. Subalit sa hindi malamang dahilan ay hindi niya maunawaan ang mga kilos at emosyong ipinapakita nito sa kaniya. Maalaga ito at parang boyfriend kung umasta sa kaniya. Posible kaya na mahal din siya nito? O baka katulad lamang ito ng mga lalaking ibig paglaruan ang puso niya?