Ako si Skylar Oliverez Montejo Simpleng babae na may masayang pamilya na hindi ko kailan man pagsisisihan na ako ay napasama. Pati sa aking mga kaibigan napakaswerte ko.Ngunit akala ko sila lang ang magpapasaya sa akin at magiging dahilan ng aking pag aaral ng mabuti. Ngunit nagkakamali pala ako. Hindi talaga mapipigilan ang puso pag tinamaan na...pero sadyang mapaglaro ang tadhana. "Pinagtagpo pero hindi itinadhana" ikanga nila. Ano pa bang magagawa kung nasira na? Maaayos pa ba? Ngunit paano? Kung lahat ayaw sa kung ano meron kayo? Napaka delikado! Mas maganda bang ilaban ko ito o tanggapin nalang na talo na talaga tayo...