Si Althea Auber ay isang Caenis o manggagawa na pinapadala sa buwan simula kanyang pagkabata. Dahil lumaki sa hirap, namulat kaagad ang kanyang isip sa realidad ng buhay sa murang edad.
Dala ng bagong gobyerno na namumuno sa buong mundo pagkatapos ng dakilang-pagunaw, isang pangyayari ang magi-iba ng karakter ni Althea. Galing sa isang pagiging masunurin na manggagawa ng gobyerno ay magiging palaban ito. Ang pangyayaring iyon ang mas lalong magpapamukha kay Althea na hindi pantay-pantay ang tingin sa mga tao at ang mga tulad niya ay laging dehado.
Si Miguel Bourdekin naman ay isang sundalong may mataas na posisyon sa isang base ng militar sa earth. Lumaki sa pamilya ng mga Bourgeoisie o middle class, wala siyang alam gawin kung hindi maging matapat at laging sumunod sa gobyerno. Takot dito ang kaniyang mga sundalo sapagkat malupit ito at walang awa.
Pero papaano kapag nakilala niya ang isang Althea Auber? Ang kasalukuyang pinuno ng mga bandido-rebelde na galing sa buwan? Mapapanghawakan kaya ni Miguel ang sinumpaang tungkulin? O may iba pang mangyayari na maaaring maging sanhi upang lumambot ang puso nito?All Rights Reserved