Para sa mga brokenhearted. Mga taong kagagaling lang sa break-up. Mga taong nagkamali ng desisyon. Mga taong nagpapanggap maging masaya. Mga taong may pinagdadaanan. Mga taong umaasa. Mga taong hindi magkaintindihan. Mga taong nagpe-pretend. Mga taong nasasaktan. At higit sa lahat, sa mga taong hindi maka-move on. Minsan kasi may mga bagay na akala mo tama, kaya may mga bagay ka din na nagagawa na akala mo magdudulot ng saya, ng ligaya. Pero kung kelan huli na ang lahat, saka mo mare-realize na mali ka. Oo, masakit. Pero ano pa nga bang magagawa mo? Tapos na eh. Nagawa mo na. Kaya dapat handa ka sa lahat ng pwedeng maging kabayaran. In the end, nasa sayo pa rin naman yan kung paano ka magiging masaya at babangon ulit eh. It's either babalikan mo ang nakaraan at aayusin kung ano man ang mga mali mo noon, o itutuloy mo na lang ang buhay mo nang wala ang mga nakasanayan na at magiging masaya na lang sa kung anong meron at magkakaroon. Life's about choices. Choose your true happiness.