Hinirang
  • Reads 4,877
  • Votes 486
  • Parts 20
  • Reads 4,877
  • Votes 486
  • Parts 20
Complete, First published Jul 21, 2019
Hindi naniniwala si EDANA MAGBANUA sa mga sinaunang bathala at bathaluman-maging sa mga diwata. Hindi pa siya nakasasakay sa elero. At hindi siya marunong bumigkas ng batí. 

Subalit alam niyang naiiba siya sa karaniwang tao dahil sa angking galing niya sa pananandata. May natatangi rin siyang kakayahan-naglalabas ng apoy ang kaniyang katawan. Hindi iyon maipaliwanag ng kaniyang ama dahil wala itong maalala tungkol sa nakaraan. Sa loob ng labimpitong taon, inilihim niya ang bagay na ito.

Nagbago ang lahat nang tinangka siyang dukutin ng mga manunupot. Mabuti na lamang at iniligtas siya ng mga sugo ng diwata. Hindi lang iyon. Inanyayahan pa siya ng mga ito sa bayan ng Hinirang upang hubugin ang kapangyarihan bilang paghahanda sa muling pagharap sa mga kalaban.

Kasabay ng kaniyang pagtapak sa Hinirang ay ang pagkabunyag ng kaniyang pinagmulan-at ng hinaharap na naghihintay sa kaniya. Matatanggap kaya ni Edana ang matutuklasan?
All Rights Reserved
Sign up to add Hinirang to your library and receive updates
or
#656horror
Content Guidelines
You may also like
You may also like
Slide 1 of 10
Lunar Blue  cover
The Cryptic Trouble Maker | COMPLETED cover
Goddess In Disguise (COMPLETED) cover
The Royal Slave (Book 2 Of PIV) cover
Wind Chime (A Lucid Dream Spin-off) cover
Aswang Killer: Season 1 cover
I Become A Villainess In My Favorite Novel | COMPLETED√ (UNDER REVISION) cover
Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed) cover
Vamps Academy: World of Vampires  cover
His Wolf Life cover

Lunar Blue

88 parts Complete

Bihira mang masilayan, mala-paraiso ang pakiramdam ng kambal na sina Deisy at Daina kapag nakikita ang blue moon. Isang buwan matapos mamatay ang kanilang ama, nagkaroon sila ng away ng kanilang ina. Bagamat nasasaktan, natuwa silang may makikita silang blue moon kaya nagpunta sila sa simbahan ng Sta. Ana kung saan nila ito tinatanaw. Nang pumasok sila sa loob ng simbahan upang manalangin, nawalan sila ng malay. Ginising sila ng binibining nagngangalang Florentina. Dito nila napagtantong sila'y nasa taong 1890. Ipinakilala siya nito sa kaniyang ina na si Isabela na mayroong isang carinderia. Nang patuluyin ni Isabela ang kambal, nakilala pa nila ang tatlo niyang anak na lalaki na sina Cordero, Claudio at Crisanto. Sa paglalim ng samahan ng tatlo, tila pag-ibig ang mabubuo. Dito rin matututuhan ng kambal ang paraan ng pagluluto ng mga Filipino noon sa kusina. Magiging daan ba ito sa pag-ibig na maaaring mamagitan sa pagitan ng kambal at ng mga anak ni Isabela? Gaano sila katatag na malagpasan ang mga pagsubok na darating sa kanila? Paano magiging solusyon ang blue moon upang bumalik sila sa kasalukuyan? Rankings! #1-Nakaraan #1-Panahon #7-Oras #10-Pinoy Started: June 5, 2021 Published: July 4, 2021 Finished: December 26, 2021 Estimated Reading Time: 9h 56m DONT FORGET TO VOTE AND COMMENT!