Nakakalito ang love. Minsan masaya ka. Minsan malungkot. Minsan nabbwisit ka. At minsan mababaliw ka. Bakit ba ang daming taong nagpapakatanga diyan? Ok na yung crush eh. Hanggang dun na lang pwede? Syempre hindi. Di mo maiiwasan yan. Ako ba? Maiiwasan ko ba? Mapipigilan ko bang sarili kong lumapit sa kanya? Na gawing visible na ko sa paningin niya? Magagawa ko ba yun? Or magpapaka torpe ako? Hindi lang naman ang lalaki ang torpe eh. Mga babae din. Malay ba natin kung tayo ang dapat gumawa ng move para magawa ang love story na pinakaiintay natin? Magkakaron ba ko ng lakas ng loob para iapproach siya? Magpakilala? Magsabing may Asia na nageexist at gustung gusto siya? Kahit na hanggang kaibigan lang. Or pipiliin ko na lang na forever na lang akong nakatingin sa kanya mula sa malayo?