natagpuan ko na siya
sino siya?
kilala mo siya, wag mo ng tanungin
kaso baka my boypren na
sana wala
eh pano kung meron?
ano naman kung meron?
ewan ko, hindi ko alam
parang mali ata
ano naman ang mali?
pano ko ba itatama tong nararamdamn ko?
sasabihin ko ba sa kaniya?
o itatago ko na lamang?
pano mo malalaman ang kasagutan
sa mga katanungan kung hindi mo susubukan?
hinid naman kasi ganon kadali yun.
susugal ka ba?
o antayin mo nalang na mapagiwanan ka ng panahon habang nagsisisi sa mga bagay na dapat sana ay noon mo pa ginawa?
ano ba dapat kong gawin?
pano kung.....?
wala ng "kung," gawin mo na
hindi pwede
bakit hindi?
pano kung siya ang nakatakda para sya?
eh di magkikita din kami pagdating ng araw
hindi magiging kayo kasi hindi mo sinubukan.
teka lang, para kang tanga
bakit naman?
gulo mo kausap eh.
seryoso ka ba?
nagtatanong ka, siyempre sasagutin ko
sino? ako?
hindi siya.
bakit ako nasama sa usapan niyo?
kasi ikaw, siya at ako ay iisa.
kaya gumawa kana ng paraan.