Inari daw ang pangalan niya at mukhang galing siyang Japan. Bakit? Kasi ang dami niyang alam na Japanese word at halata din sa kutis at mga mata niya. Ang slang din niyang magtagalog. Pero hindi daw siya ordinaryong tao. Bakit? Aba! Nakalutang siya sa ere sa una naming pagkikita! Normal ba yun? Sabi niya isa daw siyang "Kami" Ano yun?!