what if makilala mo ang isang lalakeng kabaliktaran ng iyong first love?
anung mangyayare? hmmmm.
opening quotation:
Maraming bagay ang pwede pang ayusin. kasi maaayos pa sila. pero ang madalas mangyare, ang relasyon ng dalawang tao ay hindi na magawang maayos pa, kasi ang dahilan, hindi na talaga ito kailangang ayusin. para lang kayong namamangka, at naisipan na lang ng isa sa inyong lumipat sa ibang bangka at pumunta sa ibang paroroonan, dahil don, hindi na kayo magkakasama pa.
ang katotohanan kasi, hindi talaga kayo ang itinakda sa isa't-isa.
minsan, akala mo kayo na talaga. pero sa isang iglap.
hindi pala.
ang reason kung bakit hindi kayo para sa isa't -isa?
simple lang. kasi
"hindi sya yung taong nilikha para sa'yo kasi may iba talagang laan para sa'yo."
people do come and go.
pero kung may umaalis, may dumadating....
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more?
***
May feelings na laging nandiyan, nakaabang kung kailan magpapapansin. Nakaabang kung kailan ako titisurin sa mga pamilyar na kanta, lugar, at salita. Magpapaalala sa isang mukha na hindi ko naman gano'n kakabisado pero pamilyar. Magpapaalala sa mga dating pakiramdam.
Malalaman mo raw kung sino ang The One That Got Away mo kapag narinig mo 'yong salita at nakaalala ka ng iisang tao lang; nakatisod ka ng mga dating pakiramdam; nangulila ka sa mga nakaraang saya; nakaalala ka ng mga pamilyar na sakit.
Sabi, time heals wounds at distance makes one forget. Bakit parang hindi naman effective? Bitbit ko pa rin lahat ng what if. Hindi pa rin ako makatakas sa maraming sana.
Ako ba ang bumitiw o siya? Tapos na ba kami talaga?
Ang sarap magtanong kaso...wala nga palang kami noon.
Disclaimer: This story is written in Taglish.