Matinding mental block ang tumama sa Romance writer na si Jianina. Ang hirap kasi ng estoryang nakatoka sa kanya. Ang tema, historical romance! Paano niya bibigyan ng hustisya ang magiging hero niya kung ni wala siyang ideya sa hitsura at OOTD ng mga lalaking nabuhay so many decades ago? Umaatikabong research ang kailangan niya. Buti na lang, inalok siya ng editor niya na magbakasyon muna sa ancestral house ng mga ito sa Quezon. Ma-i-inspire raw siya, panigurado. Kaya naman pala, dahil ang destinasyon niya, isang lumang mansyon na inagiw na ng panahon. Pero hindi lang agiw ang natagpuan niya roon--kundi pati isang lumang portrait ng isang lalaki. Iyon daw si Don Lucas del Castillo--ang orihinal na may-ari ng lumang mansyon. Na kung umibig, WAGAS. Literal itong NAGMAHAL, NASAKTAN, NAGPATIWAKAL. And so, she made a promise. Gagawin niyang hero ang lalaki at bibigyan niya ng bagong pag-ibig. Pero habang sinusulat niya ang kwento nito--may mali siyang nagawa. Imbes pangalan ng bidang babae, ang pangalan niya ang nailagay niya! Dahil doon, bigla na lang siyang nakaramdam ng pagkahilo kasunod niyon ay natagpuan na lamang niya ang sariling nag-gatecrush sa ibang panahon! Mari-revise pa ba niya ang lahat?
9 parts