Love? Diko pa nararanasan magmahal na yung tipong ayaw mo na syang mawala sayo, yung iiyakan mo, o magmamakaawa ka sa pagmamahal nya, hindi ko pa nararanasan yung ganon. Ayy wait-- naranasan ko na pala pero nadala nako dahil yung unang lalaki kong minahal at sa tingin ko siya narin ang huli, Iniwan ako. Kaya siguro ngayun hindi nako nagmamahal kase natatakot nako na maiwan ulit. Matagal na panahon ang kinailangan ko makalimutan lang siya. Umabot pa ako sa punto na gumamit ng tao makalimutan lang siya, pero masyado ko ata talaga siyang minahal dahil kahit na may kasama na akong iba hinihiling ko padin na sana siya yung kasama ko. Kaya sa mga lumipas na panahon na nakikita ko siyang may kasama ng iba, parang naging bato na yung puso ko, naging manhid na ako, wala na akong pake sa pakiramdam ng iba, na kahit umiyak sa harap ko o magmakaawa parang baliwala lang sakin. Laging nasa isip ko 'nagdaan din ako sa ganon at alam kong malalagpasan din nila kahit na mahirap'. Pero papayag bako na siya masaya tas ako nagmumukmok lang? Hindi.! Kaya ang relasyon sakin ngayun parang laro lang. Basta sawa nako tatapusin ko na agad. Ayoko na mauunahan pa nila ako. Wala pa nga saking tumatagal ng one month. Pero hanggang dun na nga lang ba ako? Hindi na ba ako sasaya? Sino kaya yung magtatagal sakin? O may tatagal pa nga ba? Wala na siguro... Sa lahat ng lalaking dadating sa buhay ko sino kaya sa kanila ang magtatagal sa akin? May magtatagal kaya? O tatandang dalaga nalang ako?.....All Rights Reserved
1 part