Nasa isang relasyon ka upang maging masaya, ngumiti, tumawa at gumawa ng magagandang ala-ala kasama ang iyong sinisinta, ngunit ang pag-ibig ay isa ring Sugal, na kung minsan ay Panalo, at minsan rin ay Talo.
Nagmahal, Nasaktan, Naghiganti.
Kilalanin si Shieda, Isang babaing walang ibang ginawa kung hindi ang mahalin ng sobra-sobra ang kasintahang si Vince.
Ngunit sa hindi inaasahang tagpo, biglang nawala ang lahat ng pagmamahal na iyon at napalitan ng hinagpis at galit sa puso.
May pag-asa pa kayang maibalik ang lahat ng tamis na nasayang? O kaya'y tuluyan na itong mapalitan ng pait at maibaon sa limot ang mga masasayang nakaraan?.
Wattpenaward2019 winner.
BC Resources ctto.