Kinakain tayo ng lungkot, pighati, at dilim ng kahapon. Walang sino man ang kayang makatakas, walang sino man ang makakapag-sabing madaling mabuhay sa mundo na binalot ng kasakiman. Sa dilim mo natutunan makibaka sa mga hamon ng buhay na tanging nakapiring mong mata lamang ang makakakita. Lalamunin tayo ng Lungkot at Takot. Walang ibang makakatulong at makakaintindi kundi ang sarili mo, kaya bumangon ka't abutin mo ang Liwanag.
Kwento ng sari-saring hamon na umabot sa madilim na sulok ng ating buhay, mga Karakter na magpapatibay sa pagkakakilala mo sa iyong sarili at mga pagsubok sa totoong kalakaran ng Buhay. Kwento ng Anino - na mawawala kapag natutunan nating mabuhay sa Dilim.
Iiyak mo lang ang lahat. Titila din ang unos ng iyong Puso. Darating din ang oras na muling liliwanag ang mga bituin sa madilim mong Kalangitan. Manalig ka, dahil may pag-asa pa.
Higpitan mo ang Kapit, dahil sa huli luluwag din ang Gapos.