Napansin mo ba, na may mga taong magaan agad ang kalooban mo kahit kakikilala mo pa lang dito o kahit na-meet mo pa lang siya. Para bang BFF na agad ang turing ninyo sa isa't isa. Kakikita n'yo pa lang, pero nagkakaintindihan na agad kayo.
Ganoon din diba kapag may nakita kang chicks or boys na feeling mo ay made-for-each-other kayo. Syempre, may pa kiyeme-kiyeme pa, kunwari aayaw-ayaw pa, pero sa huli para din kayong magnet na naa-attract sa isa't isa. WEIRD 'no? Parang totoo talaga yung sinasabi nilang may soulmate na nakatakda para sa iyo. No question about it... kapag siya ang nakatuluyan mo... happy ever after na ang lovelife mo. Imposible? E, kasi naman... paano mo mae-explain ang mga ganoong sitwasyon?
Then again, bakit mayroong din namang tao na kahit unang kita mo pa lang - INIS at GALIT ka na agad!! First time mo pa lang na meet, kumukulo na agad ang dugo mo sa kanya. Bakit kaya? Sabi nung iba, noong nabuhay ka daw before sa buhay mo ngayon, yung kinaiinisan mo, e... nakaaway mo na noon pa. So, kung kaaway mo siya nung other life mo, kapag nagkita ulit kayo - kahit isang milenya pa ang nagdaan... kahit anong lahi o kahit saang lugar pa kayo magkita, galit pa rin kayo sa bawa't isa. MORTAL ENEMIES, ASO'T PUSA... forever magkaaway. So ang payo -- hanggat maari, iwasan mo sila dahil siguradong puro kabwisitan lang ang matatamo mo!
NANINIWALA KA BA DITO? Naniniwala ka ba na... kapag nagtatalon ang puso mo, at hindi ka makahinga ng matino, kaharap mo na ang prince charming mo o ang prinsesa ng buhay mo? At kung kumukulo naman ang dugo mo -- hah! sigurado MORTAL ENEMY mo s'ya sa dating buhay mo!
Ganun ang istorya ng ating bidang babae sa istorya natin -- si Denise. Na meet n'ya si prince charming, kaya lang... shunga-shunga! Bakit kaya? Sige na, basahin n'yo na lang para malaman n'yo kung bakit ganoon.
Nagpapaulit-ulit sa utak ko ang mga nangyari at sa tuwing maaalala ko 'yon, nabubuhay ang galit sa dibdib ko, galit na gusto kong iparamdam sa kaniya.
Napakatahimik ng gabi, at kasing-tahimik nito ang pagtulog ng lalaking nasa harapan ko ngayon. Huling pagtulog dahil paghihirap, sakit at kamatayan na ang naghihintay sa paggising niya.
Napakaamo ng mukha, dinaig pa ang babae sa kakinisan ng katawan. Ayos na sana, naipaghiganti ko na ang pagkamatay ni ate before pero what happened to my younger sister na wala namang ibang ginusto kundi ang mahalin siya ng taong mahal niya, she killed herself because of this man.
Alin ba ang mas bagay panimula at panapos?, hetong kahoy na bubugbog sa katawan niya?, heto bang lubid na unti-unting pipigil sa hininga niya?, hetong kutsilyo kaya nang dumanak ang dugo niya?, O mas mainam kung hetong baril na sa ulo ko na lang niya itutok ng mamatay agad siya?, Kating-kati na akong kitilin ang buhay ng lalaking ito. Kamatayan niya ang magiging kabayaran ng kamatayan ng kapatid ko.
Tik tok!,
Tik tok!,
Tik tok?
*baaaaaaaaaang!!!!!!*...