Naranasan mo na ba ang mawala sa katinuan? O di kaya ay ang mabaliw sa pag-ibig? Paano kaya haharapin ng isang taong baguhan lamang sa larangan ng pag-ibig ang mga suliraning kaakibat nito? Si Stefanina Felicidad na mas kilala sa tawag na "Panya" ay isang huwarang estudyante. Tinitingala siya nang nakararami dahil sa taglay niyang katalinuhan at kagalingan sa pag-aaral. Marami din ang nais makipagkaibigan sa kanya. Sapagkat siya ay isang maimpluwensyang babae at kabilang din sa pinakakilalang grupo nang mga mayayaman at nag gagwapuhang kalalakihan sa kanilang paaralan. Siya lamang ang nag-iisang babae sa kanilang grupo, kung kaya't marami ang naiinggit sa kanya. Ang pagdating nang isang bago at misteryosong lalake sa kanyang buhay, ay magdudulot nang pag yanig sa kaniyang tahimik na mundo. Isang lalake na panay ang pang-iinis at pagpapapansin sa kanya. Subalit hindi niya maipagkakaila na ang lalakeng ito ay nananatiling misteryoso ang taglay na pagkatao. Ano kaya ang magiging dulot ng lalakeng ito sa kanyang pagkatao? Abangan... Date started: August 24, 2019 Date finished:All Rights Reserved