Meet Kryst Zain Aguirra, isang independent, happy go lucky, open minded party girl. Well, that's her ordinary life. Eat. Sleep. Party. Drink. Flirt. Sleep and REPEAT. Yan na ata ang daily routine niya. Idagdag pa ang linya niya na 'Lalandi pero di iibig'. Hanggang MOMOL lang kasi ang kaya niyang ibigay, Make Out Make Out Lang, Walang Love! Until she's back to a mission. Yes, a mission. Her darkest secret. Kryst is a secret agent together with her other girl cousins. It is a family tradition passed by their great grandmother. The head of their organization. They are raised to kill. Bata pa lang sila iminulat na sila sa mundong kalalakihan nila. At yun ay ang pumatay. Walang tumutol dahil mga masasamang tao naman ang binabawas nila sa mundo. Ito ang pinakatinatago-tago niyang sekreto. Na kahit mga pinakamalalapit niyang kaibigan ay di niya pinagsasabihan. Kasabay ng bagong misyon niya ay ang mga bagong damdamin na nararamdaman ni Kryst. Bagay na lubos niyang iniiwasan. Because a man could be their greatest downfall. Or worse can be used by their enemy as their weakness. Yan ang pinaka-iniiwasan niyang mangyari. Ang may madamay sa magulo nilang mundo. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana dahil maiwas man niya ang mga mahahalagang tao sa buhay niya, hindi ang puso niya.