Isang modernong Maria Clara si Adi ayon sa kanyang mga kaibigan. Bukod sa pang manang na kasuotan at diyologs ay no boyfriend since birth ito. Isang college graduate na hirap na hirap makahanap ng trabaho at marami ng rejections. Isang araw pagkatapos ng another rejection sa pag-aapply ng trabaho, hindi inaasahan ni Adi na mag babago ang sariling kapalaran. Isang tao ang kanyang makakabangga at yayanig ng mundo niya. At ang taong 'yon ay walang iba kundi si Lawrence Ralp Ford ang gugulo sa nananahimik na buhay ni Adi.