Ang alamat na ito ay kung paano nagsimula ang iniingat-ingatan nating bakawan ang isa sa likas na yamang nagbibigay proteksiyon laban sa kalamidad lalo na sa mga kapwa nating nakatira sa mga baybaying dagat. Ipinamalas din sa alamat na ito ang pagpapahalaga, pagiging tapat, pagmamahal at sakripisyo. Handa mo bang isakripisyo ang sarili mo alang-alang sa taong pinakamamahal mo kahit labis ka nang nasasaktan? O handa ka bang gagawin ang lahat para lamang sumaya siya lalo na sa kagustuhan niya?