"Meron akong tinago sa--- (*duggg dugg "Buksan mo ang pinto Liam!!) Tinig mula sa pinto . Nababakas yung kaba kay Ama at muling humarap sa screen. "Anak patawarin mo ako..." "Anak patawad..." "May mga pangyayari talagang hindi mo pwedeng malaman , dahil hindi mo pa mauunawaan.. "Alam kong darating ang panahon at mauunawaan mo din lahat ng yun, pero sa mga oras na yun *buntong hininga .... wala ng Ama o Ina na aagapay sayo." "Magpaka tatag ka"puno ng lungkot sa tinig ng aking Ama , kasabay ang pagtakas ng mga luha sa kanyang mata. "Paalam" *bogshh "Tapos kana ba sa mga huling habilin mo? Angtagal kong hinintay ang araw na ito!!" -lalaking armado at naka leather jacket "Matagal ko nadin napaghandaan ang araw na toh... (nagbago ang awra ng aking ama) MAGSAMASAMA TAYO SA IMPYERNOOO!!" -Ama Bumunot ng baril ang aking ama, kasabay naman nun ay ang pagtutok ng maraming pulang ilaw sa katawan nya... napahinto ang ama ko at napatitig sa lalaking nasa harapan nya "Hindi mo ko maloloko kung nung una palang nakipag areglo kana sakin hindi mangyayari to, Anak mo lang naman ang kailangan dito,tyak ko namang hindi sya masasaktan" "Hindi ko ipagpapalit ang buhay ng anak ko sa kakarampot na salaping ibibigay mo!!! Dahil ang pera nauubos pero ang buhay ng anak ko isa lang dapat ang manubos at alam kong hindi ikaw yun!!"-sabi ni Ama at tingin sa videotape bakas ang mapait na ngiti mga matang nangungusap sabay bigkas ng salitang "Mahal kita Anak" kumumpas ang lalaki sabay ang sunod sunod na putok ng baril "Mahahanap din kita Limuel Mendoza 😏 - huli nyang sinabi bago tinutok ang baril sa screen 📺 at biglang nanlabo na ang lahat. Sampung taon palang ako ng mga panahong iyon ... kailangan kong hanapin ang tinago ng aking Ama at sisiguraduhin kong mananagot lahat sila... Sampong taon nadin ang nakakalipas madami na ang nangyari. "Magsisimula palang ang tunay na Laban!!"All Rights Reserved
1 part