"Ayoko na" seryosong sagot ni Juztin habang nakatingin sa mga mata ko. "H-Huh? Anong ibig 'mong sabihin?" Tanong ko. Kahit alam ko ang isasagot mo, tinanong pa'rin kita, baka sakaling mali 'yung hinala ko, pero tama pala, tama ang hinala ko na mayroon ka nang iba. Sa buong buhay ko, ngayon ko lang naranasang maloko. Hindi ko alam kung bakit sobrang sakit. Siguro dahil minahal kita ng totoo? Pero anong sinukli mo? Sakit! Sakit ang binalik mo! Sabi ko sa sarili ko hindi na ako magmamahal ulit, pero nagbago 'yun nung umamin ang bestfriend ko sa'kin. Mahal niya daw ako. Nagduda ako sa una kasi akala ko sakit lang uli ang mararamdaman ko, pero nagkamali ako, tinulungan niya akong kalimutan ka at ipinaranas niya sa'kin ang tunay na pagmamahal.All Rights Reserved