Hindi ako buo, dahil bago pa man mabuo ang aking pagkatao, makailang beses muna akong nabasag at binasag ng ilang mga tao, pagkakataon, at panahon. At sa tuwing nababasag at binabasag ako ng mga kontradiksiyon, naroon ang pangangailangan ng sarili na tipunin at piliting pagdikit-dikitin ang iba't ibang piraso ng pinaniniwalaang pagkatao -- ang aking mga alaala.All Rights Reserved