Paano kung isang araw magising ka na lang na may dala dalang sumpa? Sumpang makakapagpabago sa buhay mo. Isang hindi pangkaraniwang sumpa dahil hindi ka maaaring sumang-ayon sa kahit ano at higit sa lahat hindi ka maaaring magsabi ng salitang "oo". Trese anyos pa lamang si Kiki Kiam nang mamatay ang kaniyang magulang. Nang mamatay ang mga ito ay natuklasan niyang isinumpa pala ang kanilang angkan. Eepekto lamang ang sumpa sa pagsapit ng ikalabing tatlo niyang kaarawan. Dahil sa sumpa ay inilayo nya ang sarili sa mga tao maging sa mga kaibigan niya dahil ayaw niyang may mapahamak pang iba. Hindi basta basta ang sumpang ito dahil once na sumangayon siya at nagsabi ng oo, isang tao ang mamamatay. Kapag umabot sa labing tatlo ang taong namatay, maipapasa sa pinakamamahal niyang tao ang sumpa but waittt there's more, kapag tuluyan nang naipasa ang sumpa ay mamamatay siya. Makayanan kaya niyang mamuhay ng masaya dala dala ang sumpang ito? xXChammyChamXx