Na saan na ba ako ngayon?
Maligaya na ba ako?
Nakalimot na kaya ako?
Siya pa rin ba talaga?
Nasaan na ba ako?
Di naman ako naliligaw,
May hinahanap pa ba ako?
O sadyang wala na siya?
Maligaya na ba ako?
Maligaya sa kasinungaligan,
Naging masaya sa kalungkutan,
Maligaya sa isang ilusyon.
Nakalimot na kaya ako?
Nakahanap ng pampalimot,
Nakalimutan ko na maging ako,
Nakalimutan ko na siya?
Nakalimutan ko na sumaya.
Siya pa rin ba talaga?
Nakatatak na nga siguro,
Sa isip ko'y limot ko na,
Pero sa puso ko'y nakamarka pa,
Na sa bawat ala-ala luha ko'y nadadala.
Ang hirap sumulat ng kataga,
Sa bawat salita isip at damdamin ang naglalaban, ,
Nais ko na tumigil kaka-isip,
Lagi ko na lang binabalewala ang damdamin.
Nasaan ka na ba?
Maligaya ka na ba?
Nakalimutan mo na ba ako?
Ako pa rin ba?
Paalam na?