Si Yumi ay isang maganda, matangkad at matalinong babae. Siya ay isang flight attendant. Ngunit mailap sa mga kalalakihan. Madalas tuksuhin ng kanyang mga katrabaho na siya ay napag-iiwanan. Ngunit ito ay balewala lang sa kanya. Si Ram naman isang varsity player ng basketball sa kanilang university. Gwapo at loyal sa ex gf. Mr. Popular. Habulin ng mga chicks. Ngunit siya ay iniwan ng kanyang ex at ipinagpalit sa iba. May isang sumisikat na online dating site na tinatawag na mahiwagang Tinder app. Dahil sa pambubuyo ng kani kanilang mga kaibigan ang ating mga bida ay nag-install ng app na ito. Paano kaya kung ang dalawang tao na ito ay nagtagpo sa isang online dating site na Tinder? Ano kaya ang magiging kapalaran ng dalawang puso na ang hangad ay isang tunay na pag-ibig?