"Nababaliw ka na ba Diana? Alam mo namang impossible yang gagawin mo." Singhal sakin ng aking bestfriend. " Oo nababaliw na ako! Nababaliw na ako sakanya." seryosong sagot ko. " Diosko nag isip ka pa ba? May boyfriend yung tao at higit sa lahat she's straight as fuck." Sabi niya sabay napailing. I can tell she's so disappointed right now pero ano magagawa ko. Mahal ko eh. " You're so selfish Di don't you know that? Handa mong sirain ang isang relasyon para lang makuha mo ang gusto mo? At sa tingin mo susuportahan kita dyan sa kahibangan mo? No way! " puno ng disappointment ang boses niya. " Buo na ang desisyon ko Mae kung di mo ako susuportahan I'll respect that." mahinang sabi ko. Alam ko I sound so desperate but what can I do gaya nga ng sabi ko I love her. Yes her dahil babae siya. " At sa tingin mo iiwan nalang kita sa ere? " sabay iling pa neto. " Kung di lang talaga kita kaibigan ewan ko nalang." sabay hug nya sakin. " Hmp alam ko naman na di mo ako matitiis eh." and I smirk. " Diosko Diana sa daming mga nagkandarapa sayo bakit don pa sa straight at may boyfriend pa." napailing uli sabi niya. " Alam mo yung feeling na nakikita mo sarili mo sakanya? Yung feeling na nakikita mo na yung THE ONE mo? " tulalang sabi ko sakanya. Naramdaman ko nalang may bumatok sa ulo ko. " Araaay ko naman! Para san yun? " sabay himas ko sa ulo. " Para magising ka naman kahit ngayon lang. " natawang sabi niya. " Ito naman. " sagot ko sakanya sabay pouty lips. " Ang corni mo Diana Mackey! Diko akalain na ganyan ka pala mainlab. " asar na sabi niya. I just rolled my eyes. " She's different kasi eh alam mo yung wala syang pakialam kung sino at ano ako? Yung ma challenge ka sakanya? " sabi ko uli. " In love ka nga. " sabi uli niya. Yes! I'm in love with the girl named Franki Russell. Allrights Reserved 2019💜