OLD FRIEND
  • Reads 254
  • Votes 3
  • Parts 6
  • Reads 254
  • Votes 3
  • Parts 6
Ongoing, First published Aug 22, 2012
Tsug! Tsug! Tsug! Tsug! Tsug!

 

Ang tunog na nagpapahiwatig na kailangang tumabi ng lahat para 'di masagasaan o madali ng dadaang malaking sasakyan, mahaba at walang preno, ang TREN. Para sa isang bata, isa itong malaking bulate o uod na kinatatakutan at bawal lapitan, pero para kay AERON hindi nakakatakot ang tren, gustung-gusto nyang sumakay dito at sa tuwing dadaan ang tren sa may tapat ng bahay nila, hindi maaaring hindi sya lalabas ng bahay para tignan ang pagdaan ng tren, madami din syang laruan na tren-tren-an at lagi nya itong nilalaro sa kanila.

 

Sanay na ang batang si Aeron sa araw-araw na pagdaan ng tren, ito ang nagpapagising sa kanya sa umaga, at lagi nyang inaabangan ang pagbalik nito sa gabi. Hindi katulad ng batang si JONDY, na sa tuwing maririnig ang tunog ng tren ay palaging magtatanong sa kanyang ina kung ano ang itsura ng tren. Hindi pa kasi nakakakita si Jondy ng tren kahit isang beses, siguro nakakita na sya sa T.V. o kaya sa laruan, pero mas gusto nya daw makakita ng isang totoong tren, 'yung walang preno, mahaba at umaandar na tren….
All Rights Reserved
Sign up to add OLD FRIEND to your library and receive updates
or
Content Guidelines