Tatlong taon na pero di pa rin nalilimutan ni Iris ang lalaking nagpadama sa kanya ng pag-ibig at iniwan siya nang walang paalam. Ngayong college na siya at napagdesisyunan nang kalimutan ang lahat, saka naman bumalik si Gael, ang lalaking mahal na mahal pa rin niya. Pero di gaya ng dati, ibang-iba na ito sa hindi niya malamang dahilan. Ang pinaghirapan niyang buuing puso sa loob ng ilang taon, mawawasak nga lang ba ulit sa loob ng maikling panahon? Hanggang kailan ka nga ba dapat na lumaban para sa pag-ibig na alam mong hindi na para sa iyo? Hanggang saan ang kaya mong isugal para sa taong mahal mo? Kwentong magpapabaliw sayo. Mapaamo pa kaya niya ang puso nitong tila balot na ng yelo? He Can't Be Tamed: REVISING