Sila lang naman ang mga isa sa itinakda sa pinakahuling malakas na oracle. Si Selena Therese Abigail Swan isang di pangkaraniwang Crystal holder. Isang sikretong bawal ibunyag. Isang pagsubok na mahirap lutasin. Isang pagmamahalan na bawal sa kahariang nasasakupan. Ano ang kaniyang pipiliin? Ang kanilang pagmamahalan o ang kanyang responsibilidad bilang isang bagong pinuno ng kanyang bagong masasakupan?