THE DREAM MULTITUDE 1 (ANG ENGKWENTRO)
1 Parte Concluida Contenido adultoPANIMULANG APPETIZER
Ang kwentong ito ay tungkol kay John Abraham Isaac Hwang Bernales, Jai for short. Isang batang maraming pangarap sa buhay, ngunit sa kabila ng kanyang pangangarap ay minsan tinanong niya ang kanyang sarili kung bakit ba siya pinanganak dito sa mundo, kung bakit nakakapaglaro siya, kung bakit may ganito siyang mga magulang, kung bakit siya nabu-bully at kung anu - ano pang mga tanong sa buhay niya na nais niyang masagot.
Sa takbo ng kwento ni Jai, ang pagyaman ang numero unong nais niyang matupad balang araw, ngunit maiiba ang takbo ng kanyang mga pananaw kapag naengkwentro niya ang isang misteryosong personalidad na tila hindi niya maunawaan kung sino siya sa buhay niya.
Ating matutuklasan ang mga kwento sa likod ng buhay ni Jai, simula ng siya ay ipinanganak hanggang sa sapitin niya ang 13 - taong gulang. Handa na ba kayo? Ako hindi pa, kasi iisipin ko pa ang mga bawat detalye ng susunod na mga pangyayari. Ang swerto mo noh? Ikaw magbabasa lang, eh ako mag - iisip pa ng magiging pangyayari at ipo - proof read ko pa, mahabang proseso kaya yun noh, hehehe. Anyway, just enjoy reading my novel.
Tara, let us drink coffee while reading. :)
- John Austin B. Mendoza, LPT*
LPT* stands for "Licensed Professional Teacher"