Abala si JM sa pakikipagkumpetensiya sa kanyang kuya, kaya naisip niyang makipag cool off muna sa anim na taon niyang kasintahan na si Coreen upang makapagconcentrate sa kanyang career. Hindi matanggap ni Coreen ang naging desisyon ng nobyo at dahil sa depresyon ay nasagaan siya ng isang sasakyan habang hinahabol si JM. Nang magising si Coreen mula sa aksidente ay nabigla ang lahat nang wala na siyang maalala sa kanyang pagkatao, nakaraan, pamilya at sa naging relasyon nila ni JM. Pinilit ni JM na ipaalala kay Coreen ang tungkol sa kanila ngunit mukhang mahihirapan siya dahil ang childhood friend ni Coreen na si Renz ay handa na upang makipagkumpetensiya para sa pag-ibig ni Coreen.